Thursday, June 23, 2016

"KALOOBAN BA NG DIYOS ANG KAHIRAPAN"?

KALOOBAN BA NG DIYOS ANG KAHIRAPAN?



Sa panahon nag daan maraming katanungan ang aking isipan, hindi lamang mga katanungan kundi mga bagay na kalituhan din naman. mga kalituhang hindi ko maipaliwanag kung ano't nangyayari ang mga bagay na hindi natin maiwasan. Ang nakakalungkot pa ay hindi tayo nakapaghahanda kaagad sa mga bagay na hindi natin inaasahan.

Mula noong ako ay bata pa at nag simulang mamulat sa buhay,
habang lumalaki at nakauunawa na ng mga bagay bagay, doon nag simula ang pakiramdam na mahirap ang maging mahirap, nakakaawa ang aking pamilya at aking mga kapatid, bagamat masaya at may pag papasalamat sa lahat ng bagay, ngunit sa kabilang banda ay ang tanong kung "Bakit kami mahirap?" 
"Bakit mayroong mayaman at mahirap at ano ba ang pinag kaiba ng dalawang ito?" at nag simulang mag laro ang isipan at mangarap ng mga bagay na ikasisiya at ikagagalak bilang isang anak sa pamilya, na sa murang edad ay nakakaramdaman na nang kakulangan.

Hanggang dumating ang panahon na unti unti na din namumulat sa mga bagay ukol sa Diyos yamang isang lingkod ng Diyos ang aming ama. Maraming pagkakataon na ating naririnig na ang Diyos ay nag papala sa lahat ng bagay. Ngunit tila hindi ito mapatunayan sa namamasdan sa kapaligiran, at nag dudulot pa ng pag aalinlangan.

Sa panahong nag daan sa paglaki na kalakip ang paulit ulit na pag babasa sa Biblia at sa paulit ulit na pakikinig sa mga pangangaral ng mga mangangaral may mga bagay na nag simulang nag tatagni tagni sa aking isipan at nasabi sa sarili na dapat ay walang kristiyanong nag hihirap bagama't bahagi ito ng mga pagsusulit ngunit hindi dapat mag lalaon ay tutungo din sa lubos na pag papala. 

Naniniwala ako na ang Biblia ay hindi lamang nagtuturo ukol lamang sa ispiritual. Sa patuloy kong pagkakasuri sa laman ng salitang aklat na ito, hindi lamang umuukol ang pagtuturo ng aklat na ito sa mga bagay na ukol lamang sa ispiritual, aking napag tanto na ito ay tumutukoy sa lahat ng bahagi at aspeto ng ating buhay sa ispiritual man o sa natural nating pamumuhay.

Tama na unang mahalga ay ang ispiritual, ngunit sadyang sa aking pag mamasid masid, sa mga nag sasabing kristiyano na may pag papalagay na mas higit ang ispiritual kaysa natural na bagay, oo tama! Ngunit sa kabilang banda ay may isang bahagi na kinukulang. Sa akin lamang pagbubulay maaring hindi balanse ang isang kristiyano sa ispiritual na aspeto kung ang ipinapahayag ng kanyang natural na aspeto at hindi tumutugma ayon sa sinasabi niya sa ispiritual na aspeto.

Isang talata ang nangunguna sa pananalita ng mga kristiyano na ispiritual:

MATTHEW 6:33
But seek ye first the kingdom of God and all these things shall be added unto you;

Ngunit kung sisilipin pa natin ng mabuti ang talata, ito ay nagpapahayag sa isang kabuoang aspeto at bahagi ng isang tao na nag sasabing kristiyano. Hindi natin maaring hatiin ito sa dalawa, mas lamang ang ispiritual o mas lamang ang natural. Kung ang ispiritual lamang ang pag tutuunan ng pansin ay maaring dumating ang panahon na may mga bagay tayong nakakaligtaan ang gampanan ang mga bagay na hindi pa ispiritual, o kung purong natural lamang ay maaring mawalan tayo ng bahagi sa trotoong buhay.

Hindi ko sinasabi na itong dalawa ay dapat balanse, ang aking lamang napagtanto na ang "Ispiritual ay kabuuan ng natural at ang natural ay kabuuan ng ispiritual. ito ay isang buong bahagi kung saan ay hindi maaring mag kaiba sa isa't isa.

Himayin natin ng kaunti ang talatang ito:

1. Seek ye first the kingdom of God;

Oo! kung titignan natin ito sa buklod, ito ay ang bagay ng Diyos na dapat mong makuha upang matupad sa iyo ang susunod na bahagi ng talata. Mga bagay na kung saan sa lahat ng bagay ay una ang Diyos sa iyo, higit sa lahat sa pagpapasalamat sa lahat ng mayroon ka at wala ka. 

Walang bagay na hihigit sa Diyos sa iyong puso at isipan at sa iyong mga pagawa ng may unang pagsasalamat sa Diyos.

2. And all these things shall be added unto you:

Kung nagawa mong makuha ang unang bagay ng Diyos, ito ay sumusunod agad at hindi ito maaring mawala. Ang sabi dito lahat ng bagay, lahat! lahat! lahat!

Ngayon kung sinasabi mong ispiritual ka lang at may nagkukulang na bahagi maaring hindi mo pa nagawa ng nasa ayos o nasa kondisyon ang unag bahagi ng talata. O hindi mo nagamit ng tama ang susi. 

Sa patuloy nating karanasan sa buhay ito din ang siyang ginagamit ng Diyos upang tayo ay matuto at magpatuloy at magsimulang lumago ng lumago. Ang layunin ng maigsing blog na ito ay upang himukin ang bawat nag sasabing Kristiyano na magpahayag sa kanilang buhay ng isang buong bahagi ng ng kalooban ng Diyos ang hanapin mo siya at ang pag palain ka nya. Nawa ay naging karagdagan kaalaman ito sa iyo. Upang ating matalos ang bawat sitwasyon na dumarating sa ating buhay.

Totoong lahat tayo ay dadaan sa ibat-ibang ng uri ng pagsubok, pag sususri at pag susulit, ngunit sa muli ito ay hindi mag lalaon ay tutungo sa pag usbong at paglago at pag bunga. Ngunit ano ba ang dapat gawin upang tamasahin ang lubos na pag papala ng Diyos ukol sa lahat ng aspeto ng ating buhay?

"Hindi kalooban ng Diyos ang kahirapan ngunit bahagi ito ng mga karanasan. Ang tunay na kalooban ng Diyos ay ang pagpalain ka!"




GOD BLESS.

No comments:

Post a Comment