NAIPAMAMANANG KAHIRAPAN
Kahirapan! kahirapan nga ang isa sa pangunahing suliranin na nararansan sa buhay ng isang tao. Simula ng mahulog ang tao mula sa kalooban ng Diyos patungo sa kasalanan ay nag simula na din ang sumpa ng kahirapan, sa lalake na sa kanyang mga pawis mag mumula ang kanyang kakanin. Kaya mag mula noon ang sinumang hindi mag tatrabaho upang itaguyod ang pang araw-araw na panganagilangan ay hindi niya ito makakamit. Bagkus maaring magdulot pa ito ng "NAIPAMAMANANG KAHIRAPAN" hanggang sa salit-saling lahi, na kung saan palawak ng palawak ang nasasakop ng kahirapan.
Sinabi nga ng aklat ng (ECCLESIASTES 10:19).
A feast is made for laughter, wine makes life merry, and money is the answer for everything.
Ayon sa pag kakasabi dito, liban sa kasiyahan ay ang "Salapi ay sagot sa lahat ng bagay." Mapapansin natin sa talatang ito na hindi lang ang kasiyahan bagkus ang salapi ang sagot sa lahat ng bagay. kung gayon paano masasagot ang lahat ng bagay kung walang pananalapi o kulang sa pananalapi? At mapaninindigan ba natin ang kasabihang "Di bale saging basta nagmamahalan?" Hindi ba't tama na ang kawalan o kakulangan ng pananalapi ay nag dudulot ng kahirapan sa tao? Aminin man niya o hindi, sabihin man niyang masaya na siya at kuntento na sa kung anong mayroon ay hindi pa rin maitatanggi na ang kakulangan sa pananalapi ay nag dudulot ng kahirapan o madalas ay kalumbayan din naman.
Ngunit sadyang karamihan at higit sa mga tao ay naninindigan at tinatanggap na lamang ang kalagayan na mahirap at ang kahirapang nararanasan na sinasabing "Ganito talaga ang buhay!"
Subukan natin usisain ng bahagya kung bakit nga ba may nag hihirap? Gayong hindi naman kalooban ng Diyos na manatiling mahirap ang tao habang nabubuhay. Ang sinabi lang ng Diyos ay sa pawis mag mumula ang kakainin ng tao. Ito ay isang paggawa lamang kalakip ang pagsisikap, kasipagan, at pagtitiis. Mahirap kung iisipin ngunit pag daka'y makakamit din ang bunga ng pinagpawisan na magdudulot na din ng kasiyahan sa hindi paglaon.
Sa isang pag sususi may mga ilang alituntunin ang Diyos na kung saan ito ay isang matibay na pamantayan sa pag buhos ng pag papala. Ipinag uutos niya sa kanyang bayan noong unang panahon hanggang sa ating kinalalagyang panahon. Kung ito lamang ay magsisilbing gabay natin sa araw araw ay hindi maglalaon ay uulan ng biyaya at lahat ng pagpapala.
Tignan natin ang sinabi sa ingles na salita:
DEUTERONOMY 11
26 Behold, I set before you this day a blessing and a curse;
27 A blessing, if ye obey the commandments of the LORD your God, which I command you this day:
28 And a curse, if ye will not obey the commandments of the LORD your God, but turn aside out of the way which I command you this day, to go after other gods, which ye have not known.
Na kung ang tao lamang ay mananatili sa palatuntunan ng Diyos ito ay may kanya kanyang bunga ayon sa pagpili at pag gawa ng tao. Maaring sumpang kahirapan o lubos na pagpapala ang darating sa buhay ng isang tao, kung malalayo siya sa at hindi susubaybay sa palatuntunan ng Diyos. Sa mga susunod kong blog ay susubukan natin tignan ang mga paraan na binigay ng Diyos upang gumawa tayo ng may pag sunod sa gabay ng kanyang tuntunin.
Ayon nga sa larawan ng blog na ito, nagsasabi ito ng "Kung sino ang nag tatanim ng kaunti ay aani ng kaunti; At kung sino ang nagtatanim ng madami ay aani ng madami."
Maliwanag sa sinasabi ng talatang ito na may batas ang kalikasan na syang dapat sundan bilang palatandaan sa mga bagay na ibubunga. Ang pagtatanim ng binhi ano mang uri nito ay humahalintulad sa paggawa ng Diyos sa lahat ng nilikhang puno't halaman o lahat ng may buhay. Noong nagtanim sya ng binhi hindi lamang isang uri ng binhi ang kanyang itinanim, bagkus halos hindi mabilang ang lahat ng uri ng binhi na kanyang itinanim. Matiyagang naghintay ang Diyos ng may pagtitiis sa paglaki at paglago at pagbunga nang mga ito bago siya nasiyahan sa kanyang likha at sabihing "It was Good"
Ngayon kung ibabase natin ang ating pagtatanim sa pagtatanim ng Diyos masasabi ba natin na nagtanim tayo ng madami? O may karapatan ba tayo upang tanungin ang Diyos kung bakit tayo mahirap? Maaring iisang uri pa lang ng binhi ang ating naitanim ngunit hindi kaagad makapagtiis sa pag hihintay? May pag gawa ang Diyos na dapat nating tularan. Huwag kang magtaka kung bakit kakaunti lamang ang bunga na iyong inaani. Ito ay bunga lang ng kakaunting pagtatanim.
May itinakdang panahon ang Diyos sa lahat ng pananim kung gaano katagal itong lalaki at lalago hanggang sa ito ay magbunga at anihin. Ni hindi nanghinawa ang Diyos na hintayin ang panahon ng pag usbong at pamumunga ayon sa itinakda niyang batas ng kalikasan.
Ang isang pagtatanim ay hindi sasapat sa lahat ng iyong pangangailangan sa natural na pamumuhay. At ang pagtatanim ay hindi rin natin masasabi na isang napakadaling gawin. Gaya nga din ng awit na nag sasabing "Ang magtanim ay di biro." Dumadaan ito sa matiyaga at pagtitiis na paggawa kalakip ang sapat na kaalaman at karanasan upang masigurado na ito ay lalago at mamumunga. Kung hind sapat ang itinanim ay makakaranas ng kakulangan sa mga pangangailangan at maranasan ang hirap at kahirapan sa pagtaguyod sa mga bagay na pangangailangan.
Ang kahirapan ay bunga lamang ng kaunting pag tatanim at kawalan ng kaalaman sa pagtatanim ng higit sa isa. Sa mga susunod kong blog ay subukan natin talakayin ang tungkol sa pagtatanim.
Ngayon patungkol naman sa ating paksa sa huling bahagi ng blog na ito, paano mo ba naipamamana ang sinasabi nating kahirapan? Mayroon kwento na pumukaw sa aking diwa ukol sa bagay na maaari nating maging impluwensya sa mga nakakakita sa atin.
May isang ama at ang kaniyang anak sa panahon ng pasko ay nakagawian na nila ang kumatok sa bahay bahay upang mamaskuhan, kinasanayan na ng bata ang ganitong gawain nila ng kaniyang ama sa araw araw nilang ginagawa ito. At sa murang kaisipan ng bata ay ito ang sa palagay niya na tamang gawin Yamang ito ang paulit ulit na nakikita niyang ginagawa ng kanyang ama.
May isang araw na lumakad ng lasing ang ama ng bata at sa sobrang kalasingan ay hindi nito maibalanse ang kanyang lakad, pagewang gewang at pasuroy suroy na inihahakbang ang mga paa na nag iiwan pa ito ng bakas sa kanyang mga nilalakaran. Hindi namamalayan ng ama ang kanying anak ay nagmamasid sa kanya hanggang siya ay papalayo.
Kinaumagahan inutusan ng ama ang kanyang anak upang gumawi sa lugar na madalas nilang pinupuntahan para mamasko, sumunod naman kaagad ang bata at nag simulang ihakbang din ang mga paa, ngunit laking gulat ng ama sa ikinilos at uri ng lakad na kanyang anak, pa gewang gewang at sumusuroy ang mga lakad.
Sa pag kagulat ng ama dahil hindi nya nagustuhan o napaka panget sa paningin ang nakita niya ay pinigilan nya ang kanyang anak at tinanong nag pagalit ng ganito. "Anak bakit nagkaganyan ang lakad mo"!? At sumagot ang bata, "Ama sinundan ko lang po ang bakas na nilakaran ng iyong mga paa!" Tumahimik at nagsimulang umiyak ang kanyang ama.
Ngayon sa papaanong paraan naipamamana ang kahirapan? Sa mga bagay na nakikita sa iyo ng mga bagong sibol na buhay na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos upang pamahalaan mo kung ikaw ang lalake walang iba kundi ang pamilya mo, magmula kay nanay, kay kuya, kay ate at kay bunso.
Huwag mong iisipin na kayamanan sa pananalapi, mga bagay na tinatangkilik o edukasyon lamang ang naipapamana, isang kaisipan na sa palagay mo ay wala kang maipamamana kung ikaw ay walang kayamanan. Hindi lamang ang kayamanan sa mga bagay na aking nabanggit ang naipamamana, dahil sa oras na sabihin mo sa mga tao at higit sa lahat sa pamilya mo asawa at mga anak na "Mahirap lang tayo" wala akong maipapamana sa inyo. Ipinasa mo na ang kung ano ang wala ka, mga bagay bna hindi maintindihan ng pamilya mo kung bakit wala kayo. Maganda na edukasyon lang ang maipamamana, ngunit ipinapasa mo sa iyong anak ang responsibilidad na hindi mo pinagsikapan. Ano iyon? Ang mabuo sa isipan ng iyong mga anak na balang araw ay iaahon ko ang magulang ko sa kahirapan. Bagama't ito ay isang napakagandang katangian ngunit isipin mo din na magkakapamilya ang iyong mga anak. Hindi responsibilidad ng anak ang magulang kundi responsibilidad ng magulang ang mga anak na turuang lumakad patungo sa kaunlaran sa sarili.
kung ano ang mga bagay na nakikita sa iyo ng iyong mga anak ay masusing pag ingatan ang bawat hakbang dahil ito ang huhubog sa buhay ng iyong anak.
"Imagine if this is the legacy that'll be passed by someone who don't want to change the world a better place. If you don't, God will do it anyhow when he comes. Be apart of his work."
God bless you.
No comments:
Post a Comment