FOUNTAIN
 |
click the image |
Lahat ng bagay at sangnilikha ay may pagkakaugnay ugnay sa isat isa. Ang isang nilikha ay para sa isang nilikha, tao, hayop, halaman, tubig, init, isda atbp ay dumadaloy ng paikot ikot at paulit ulit
Magandang araw! napakainam ang isang kalagayan na kung saan ay nakukuha mo ang mag pasunod ng mga ilang sa bagay sa loob ng iyong nasasakupang bakuran. Hindi maililingid sa ating kaalaman na sa ilang bahagi nang mga kwento sa biblia ay tumutukoy sa ubasan ng mga mamumuno at pinamumunuan. Inihalintulad ng biblia ang kaharian ng Diyos sa isang ubasan na kung saan siya ang namumuno at nagmamay ari. Bahagi din nito ang mga taong nasasakop ng kanyang pag mamay ari.
NAIPAMAMANANG KAHIRAPAN
Kahirapan! kahirapan nga ang isa sa pangunahing suliranin na nararansan sa buhay ng isang tao. Simula ng mahulog ang tao mula sa kalooban ng Diyos patungo sa kasalanan ay nag simula na din ang sumpa ng kahirapan, sa lalake na sa kanyang mga pawis mag mumula ang kanyang kakanin. Kaya mag mula noon ang sinumang hindi mag tatrabaho upang itaguyod ang pang araw-araw na panganagilangan ay hindi niya ito makakamit. Bagkus maaring magdulot pa ito ng "NAIPAMAMANANG KAHIRAPAN" hanggang sa salit-saling lahi, na kung saan palawak ng palawak ang nasasakop ng kahirapan.
KALOOBAN BA NG DIYOS ANG KAHIRAPAN?
Sa panahon nag daan maraming katanungan ang aking isipan, hindi lamang mga katanungan kundi mga bagay na kalituhan din naman. mga kalituhang hindi ko maipaliwanag kung ano't nangyayari ang mga bagay na hindi natin maiwasan. Ang nakakalungkot pa ay hindi tayo nakapaghahanda kaagad sa mga bagay na hindi natin inaasahan.